Here me shout. Hear me sing. Here me share my thoughts and dreams.

This is personally ME.

Monday, March 29, 2010

EMO-ness

Nagiging habit ko na lately ang magdere-deretso ng walang tulog lalo na kung may problema regarding err.. Hmmm… Because of this, I usually sport red eyes (sorry, walang eyebags sa liit ba naman ng mata kong to). Siguro yun din ang dahilan kung bakit emo na naman ako lately.

I’ve been doing some thinking and I’ve come to realize a number of things:

  1. Controlling my anger is a good thing but there are times when I need to stand up for myself.
  2. Making a mistake doesn’t mean that I’m a bad person. It only means that I am human.
  3. Saying “Sorry” doesn’t mean that you are admitting that you are wrong. It only means that you love the other person so much that you are willing to let go of your pride. However, one “Sorry” is enough (o sige, mga hanggang 10). If ayaw nyang tanggapin, if ayaw nyang pakinggan, hinde ko na problema yun.
  4. Mahirap pag sapilitan ang friendship. Since hinde kusang tumubo, walang masyadong weight. Madaling talikuran.
  5. Sometimes, I downplay myself too much that other people think I am naive or, worse, that I have nothing between my ears.

From now on, I would only pay more attention to people who are able to respect me as a person. From now on, I would only give my heart to someone who knows how to take care of it. From now on, I would only be a friend to someone who is not afraid to speak the truth to me, someone who can be loyal to me and hinde yung patalikod kung lumaban

….suko na ako sa mga taong user, backfighter, plastic etc.

Friday, March 26, 2010

Welcome to My Dark Side


And, in keeping with my love for lists, I’m writing here my top 8 “quirks”:

  1. Mukha akong suplada sa personal. Hinde kasi ako palangiti sa totoong buhay. Pwera nalang kung close na tayo. Bakit? Malabo kasi mata ko. Malay ko ba kung baliw na ang tingin mo sa’kin.
  2. Kulang ako sa break fluid. Minsan, may mga hirit ako na semplang. (por eksampol: Gio: Baby, anong oras na?. Pia: Mukha ba kong orasan ha? Sa maniwala kayo’t sa hinde, hinde ako galit nung sabihin ko yan)
  3. I am a firm believer in commitment and promises. If you say 5:00 pm, make sure you deliver by 5:00 pm. If you can’t, inform me beforehand. Ayoko ng last minute change of plans lalo na pag dating sa lahat. Naha-high blood ako sa ganyan.
  4. Perfectionist at demanding ako. Mataas ang standards ko at mataas rin ang expectations ko. Force of habit. Labing-apat na taon akong na-train na ganyan mag-isip. (Dagdag mo pa yung pitong taon kong pagkabata)
  5. Sobrang marunong akong mag-express ng galit. Promise! Malalaman mo lang galit na ako ‘pag binasa mo shout outs ko sa Friendster at Facebook, ‘pag pinakinggan mo kung ano yung paulit-ulit kong pinapakinggan (Eminem=galit, Linkin Park = nag-uumapaw sa galit, ma kantang pang-headbang na hinde mo na maintindihan ang lyrics dahil panay sigaw lang = World War III). On the other hand, pag nahimasmasan na ako at nailabas ko na galit ko, kakausapin kita at sasabihin ko sa’yo kung bakit ako nagagalit sa’yo (exception to the rule: pag trust issues, may 60% chance hinde na kita kausapin).
  6. Emo ako. Back-read kayo para makita ang ebidensya. Trying hard maging emo. Hahaha.
  7. Baliw ako. Madaling patawanin. Konting jokes. Ayan na ang tawa ko. Lalo na pag naaalala ko sina Cute na Rabbit at Napakatuling Pagong. (Baby, alam mo to) Halimaw na Manok ako sa tunay na buhay. Sabi lang ni Baby yan. :)
  8. Mabagal akong mag-add at subract pero magaling ako sa Multiplication at Division. Natatandaan ko noong Elementary years ko, panlalaban ako ni Ma’am Vicente sa Math BULPRISA pero sa takot ko nakipagpalit ako sa bestfriend ko. Ako sa General Information at sya sa Math. :)

Yan ang aking dark side. Ikaw, ano ang dark side mo?

Tagalog Blog


For weeks I’ve been thinking of having a Tagalog blog. For what reason? Wala lang….gusto ko lang. I love my native tongue and I wanted to hasten my writing in Tagalog. Actually, for others, writing in English is easier than writing in Tagalog so it must be a challenge to me. Mas mahirap ata grammar ng Tagalog kesa English. Now I remember my cousin who failed in his Filipino subject. When I asked him why, he said “super hirap kaya ng Filipino”. I am thinking of what will be the contents of my upcoming Tagalog blog (kung di ako tamarin para gumawa ng isa pang blog!) I am planning to keep it private so I could post my personal thoughts that I cannot post in my other personal blogs. At pag ma-discover nila, wala na sila magawa. Nai-blog ko na sila!hahahaha So, good luck nalang sa akin. I am 100% sure now that I wanted to have that blog with a local tongue. :)