And, in keeping with my love for lists, I’m writing here my top 8 “quirks”:
- Mukha akong suplada sa personal. Hinde kasi ako palangiti sa totoong buhay. Pwera nalang kung close na tayo. Bakit? Malabo kasi mata ko. Malay ko ba kung baliw na ang tingin mo sa’kin.
- Kulang ako sa break fluid. Minsan, may mga hirit ako na semplang. (por eksampol: Gio: Baby, anong oras na?. Pia: Mukha ba kong orasan ha? Sa maniwala kayo’t sa hinde, hinde ako galit nung sabihin ko yan)
- I am a firm believer in commitment and promises. If you say 5:00 pm, make sure you deliver by 5:00 pm. If you can’t, inform me beforehand. Ayoko ng last minute change of plans lalo na pag dating sa lahat. Naha-high blood ako sa ganyan.
- Perfectionist at demanding ako. Mataas ang standards ko at mataas rin ang expectations ko. Force of habit. Labing-apat na taon akong na-train na ganyan mag-isip. (Dagdag mo pa yung pitong taon kong pagkabata)
- Sobrang marunong akong mag-express ng galit. Promise! Malalaman mo lang galit na ako ‘pag binasa mo shout outs ko sa Friendster at Facebook, ‘pag pinakinggan mo kung ano yung paulit-ulit kong pinapakinggan (Eminem=galit, Linkin Park = nag-uumapaw sa galit, ma kantang pang-headbang na hinde mo na maintindihan ang lyrics dahil panay sigaw lang = World War III). On the other hand, pag nahimasmasan na ako at nailabas ko na galit ko, kakausapin kita at sasabihin ko sa’yo kung bakit ako nagagalit sa’yo (exception to the rule: pag trust issues, may 60% chance hinde na kita kausapin).
- Emo ako. Back-read kayo para makita ang ebidensya. Trying hard maging emo. Hahaha.
- Baliw ako. Madaling patawanin. Konting jokes. Ayan na ang tawa ko. Lalo na pag naaalala ko sina Cute na Rabbit at Napakatuling Pagong. (Baby, alam mo to) Halimaw na Manok ako sa tunay na buhay. Sabi lang ni Baby yan.
- Mabagal akong mag-add at subract pero magaling ako sa Multiplication at Division. Natatandaan ko noong Elementary years ko, panlalaban ako ni Ma’am Vicente sa Math BULPRISA pero sa takot ko nakipagpalit ako sa bestfriend ko. Ako sa General Information at sya sa Math.
Yan ang aking dark side. Ikaw, ano ang dark side mo?