Sunday, January 9, 2011
Para Sa Mga Taong Sobrang Magmahal : A Tagalog Post
Hindi ko naman sinabing mali ang magmahal ka ng sobra sa isang tao pero minsan nakakainis na yung tipong ikaw na lang ang nasasaktan at umiiyak. Mahal mo nga sya ng sobra at wala namang nagdududa pero isa lang naman ang tanong eh “Kung mahal ka din ba ng sobra ng taong minamahal mo ng sobra”. Kung “OO” ang sagot ikaw ang isa sa mga pinagpala sa mundo na magkaroon ng isang relasyon na sinasabi nila na “Wagas na Pag-ibig".
Pero minsan hindi mo rin sila masisisi dahil kung minsan hindi mo man aminin ganun ka din kung magmahal (sobra-sobra sa dapat lang ibigay). Heto ang ilan sa mga nakakainis sa mga taong sobra kung magmahal sa taong walang pagmamahal sayo:
1. Sobra mong binigay ang lahat na tipong wala ng natira para sayo kaya kung minsan ang nagiging dahilan mo sa kanya “Ano pa ba ang kulang at dapat kong gawin para lang hindi mo ko iwan”.
2. Nakakasakal kang magmahal dahil sa wala kang tiwala pero sobra kang takot na mawala sya to the point na kailangan nya ng sabihin sayo na “Ayoko na ng ganito nakakasakal ka na maghiwalay na muna tayo”. Nakakairita ka sa simpleng salita.
3. Sobra ka ng tanga at bobo sa paningin ng tao sa paligid mo sa larangan ng pag-ibig. Alam mong niloloko ka na pero nagagawa mo padin syang patawarin dahil sa dahilan mo na hindi naiintindihan ng mga tao sa paligid mo.
4. Ang taong sobrang magmahal madalas nila nakaka-away ang mga kaibigan nila dahil sa sobrang pagtatanggol sa taong mahal nya.
5. Para kang aso kung makahabol sa kanya, linta kung makadikit, pusa na sobrang makapaglambing, parang kuto at surot na hindi mabubuhay kapag nawala sya sayo. Tapos sya alam mo kung ano isang ibon na lumilipad habang iniiputan ka sa ulo pero baliwala lang sayo dahil para kang isang love bird na magpapakamatay kapag naiwan na nag-iisa.
6. Ang taong sobrang magmahal walang pinapakinggan kundi ang sarili lang nila. Mapapagod ka lang sa kakapayo sa kanila dahil parang nakikinig lang sila sayo at tipong sasang-ayon pa sila sa payo nyo pero ang totoo nyan alam na nila ang gagawin yun ay ang kabaligtaran sa kung ano man ang naipayo mo.
7. Ang masakit sa lahat ay sila mismo ang nananakit sa sarili nila kulang na lang tadyakan at sapakin mo para lang magising sa katotohanan na ayaw na sa kanila ng taong sobra nilang mahal. Nakakainis dahil sobra din nila pinapaasa ang mga sarili nila na magkakabalikan pa sila pero ang totoo...
"sya na lang ang nag-iisip na magkakabalikan pa sila o magiging sila pagdating ng panahon."
8. Ito ang sobrang kinaiinisan ko “Bakit may mga taong sobrang magmahal sa mga taong wala namang kwenta”. Wala na ngang kwenta pero nagagawa ka padin nilang saktan at gamitin pero pumapayag ka dahil nga sa sobra mo syang mahal.
9. Nakakainis dahil SOBRA DIN ANG SAKIT NA DULOT NG SOBRANG PAGMAMAHAL. Dahil mahirap ng intindihin ang isang tao kapag ito na ang dahilan nya “Mahal ko nga kasi eh” at tatanongin mo pa ng “Bakit mo nga sya mahal” na ang sagot na ibibigay nya ay hindi mo rin maiintindihan…..Ang gulo nito pero totoo diba?
Ang totoo nyan wala naman talagang sobra sa pagmamahal at wala din tama kung ilang porsyento lang dapat ang ibigay mong pagmamahal sa isang tao. Ang mahalaga sa bandang huli ay nagmahal ka at kung masasaktan ka man ng sobra ay hindi mo na kasalanan yun dahil mali din naman na isisi mo sa sarili mo at sa iba ang sakit na nararamdaman mo ngaun. Sabihin na lang natin na isa itong karanasan na dapat lampas bilang isang tao na alam kung pano ang magmahal at masaktan.
..........................
“ Huwag mong husgahan kung pano magmahal at masaktan ang isang tao dahil lang sa kung ano ang nakikita mo dahil iba ang nakikita mo sa nakakaramdam ng pagmamahal at sakit na dulot nito. Kagaya ng iba din ang sinasabi nya sa harap ng taong mahal nya kumpara sa naririnig mo sa kanya kapag sya ay nasasaktan. “
Wednesday, January 5, 2011
Maybe One Day, Things Will Change
I wish I was one of those people who had life all figured out.
You know....the ones who know exactly what they want to do with their lives and how their going to get there. :'(
Nothing can stop them, they keep pressing forward no matter how many times they failed. I wish I was like that, well I used to be. I wish I could live this life to the fullest as if I were to die tomorrow. I wish I had no regrets. I wish I had the courage and strength to forget all my troubles and just live my life the way I've always wanted.
Not caring what others thought and living for myself.
Making myself happy.
Taking risks.
I mean doesn't it scare you to know that you only have one life to live and when your times up its up. I know live for today right... but why is it so damn hard? Just to be happy, find people who care, find love, and following your heart or whatever is left of it. I wish life wasn't so hard sometimes.
Live life to the fullest is easier said then done when your struggling to even get out of bed in the morning or to force yourself to put a smile on your face.
I feel like my life is a joke. :'(
I don't know what I'm doing with myself I'm just ******* my life away. Everyday that goes by I see a part of myself die inside because I know deep down inside this is my life. I can't change certain things. Everyday I'm reliving this pain and anger. I see my life crashing down before my eyes and I don't have the strength to pick up the pieces anymore. I had to put my life on hold because of my sick mother. My dreams are dead because of reality. I'm exhausted. I can't fight the tears anymore nor do I want to. I'm so tired it hurts.
I just want a hug. I want someone to tell me that everything is going to be okay.That I'll find my way somehow. Don't give up. I want someone to tell me that one day things will change.
Subscribe to:
Posts (Atom)