Ewan ko ba kung paano napasok sa usapan ang “tiwala” kaya napatagal ang pag-iinternet ko kagabi. Marahil ay napapanahon na upang bigyang-tuon ko ang salitang ito. Sa halos ilang taon na rin ang dami kong naging definition ng salitang pagtitiwala at pakikisama. Na ang pakikisama ay nakadepende sa level ng pagtitiwala ko sa isang tao.
Ayoko nang magtanong. Dahil ayokong mag-isip pa ang utak ko sa “gawa-gawang kwento” at “totoong nangyari.” Mapapatawad ko pa ang utak ko sa pagpayag na mag-isip ng kung ano-ano na maaaring iclassify na pagdududa pero ang puso hindi. Alam nito kung ang taong kausap ko ay hindi totoo, nakikisama lang o wala lang.
Hindi ko na nga halos alam kung ano ang salitang pagtitiwala. Sa dami ba naman ng taong sumira nito, may matino, umaaktong matino, engot, magaling na engot at mahusay na manipulator. Inihulma ko ang sarili kong gamitin ang sinasabi ni Debs na “filter”. Piliin lang ang gusto mong paniwalaan at ang natitira ay hayaan mo na lang sa isantabi.
Ang hindi ko rin lubos maisip ay kung paanong nagagawa ng mga taong ito ang makipagusap ng harapan habang sa likod ng kanilang mga isipan ay iba pala ang nais ipakahulugan. Maraming tuso ang nagkalat at nasa sa iyo na kung papabiktima ka ba sa mga ganitong klase ng tao.
Hindi kasi ako ganon. Added burden sa akin ang magsuot ng maskara sa pakikisama, sa pakikipagkaibigan at pakikitungo sa ibang tao. Kaya ganun din ang gusto ko… mas matatanggap ko pa nga ang pagsasabi ng lahat ng baho sa pagkatao kesa paniwalain mo ako sa “gawa-gawang pagkatao” lang.
May human instinct tayo eh. Maloloko mo ang ibang tao at maaaring isa ako dun… pero ituturo ako sa tamang dapat kong paniwalaan…
Applicable sa akin ung salitang…. “madaling magpatawad, pero mahirap sa akin ang makalimot…”
I have given you so much time to be “true”…. do I deserve to be fooled?